Friday, August 1, 2014

Kahalagahang Pamana ng Asya para sa Bagong Henerasyon


Kahalagahang Pamana ng Asya
para sa
Bagong Henerasyon

Aldous John Ompad


Daan-daang taon na ang nakaraan maraming kabihasnan ang umusbong sa iba't-ibang panig sa Asya. Partikular na sa India, China, Korea, Japan, Timog-Silangang Asya, Kanlurang Asya at maging sa  Mesopotamia. Bago paman mawala ang mga ito maraming bagay at karunungan ang kanilang naiwan na nagsilbing pamana para sa ating bagong henerasyon.                                                                  



Sinaunang Pagsasaka


Isang halimbawa sa pamanang 
ito ay ang karunungan sa larangan
ng Agrikultura. Nagsilbing 
pinagkukunan ng pang araw-araw
na pangangailangan ng
  mga Sumerian ang pagtatanim
Sinaunang Gulong
  sa kanilang mga lupain. Ang 
  karunungan ito ay patuloy nating
  pinakikinabangan at ginagamit
  hanggang sa kasalukuyan. Ang     
  gulong na ginagamit sa
  transportasyon sa kalupaan 
Bangka na may Layag
  at bangka naman may layag 
  naman sa karagatan ay
  natuklasan din ng mga Sumerian.

 
   
  
Pangangalakal sa Kabihasnang Indus
 Ang paraan ng pangangalakal naman ay ating namana mula kabihasnang Indus. Bulak, alahas, kahoy, bronse, pilak, at ginto ang kanilang pangunahing produkto sa pangngangalakal. Ang bakal na 
Bakal na ginamit ng mga Hittite
ginagamit natin ngayon sa  pagtatayong mga istruktura gaya ng mga gusali, tulay at maging sa kagamitan sa bahay ay unang ginamit ng mga Hittites.







                            Ang kahanga-hangang                    
Acupuncture
pamamaraan ng panggagamot na tinatawag na Acupuncture ay nagmula naman sa Kabihasnang Chino. Ang panggagamot na ito ay gumagamit ng pinong karayom na itinutusok sa katawan upang                                       mawala ang mga karamdaman.      
Compass
Maliban sa Acupuncture ambag din ng Kabihasnang Chino ang compass,seismograph,at ang tanyag na Great                                          
Wall of China.


  
Sinaunang Seismograph

Marami ding naiambag sa ang  Kabihasnang Egypto gaya ng            Kalendaryo, hieroglyphics,konsepto
ng geometry at ang napakagandang Pyramid.

  




Karamihan sa mga bagay at karunungan sa iba't-ibang larangan ay ating namana mula sa mga kabihasnag umusbong sa Asya. Lahat ng ito ay naging daan sa ating tinatamasang kaunlaran ngayon. Nawa'y atin itong pagyamanin at pahalagahan bilang pagpapakita ng paghanga at pagpapasalamat sa mga taong nagpamana sa atin nito.